Banggaan ng Sasakyan at Motorsiklo, Dalawa Sugatan!

106

San Manuel, Isabela- Sugatan ang dalawang kalalakihan matapos salpukin ang kanilang sinasakyang motorsiklo dakong alas onse ng umaga sa kahabaan ng Pambansang ng Brgy. Babanuang, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang sugatan at drayber ng motorsiklo na si Cyberson Aguinaldo Acosta, nasa tamang edad, residente ng Brgy. Eden, San Manuel, Isabela at back rider nito na si Renato Tobias Cayme, 59 anyos, residente naman ng Brgy. Babanuag, San Manuel, Isabela habang ang drayber naman ng isang sasakyan na bumangga sakanila ay kinilalang si Perfecto Peralta Salinas, 51 anyos at residente ng Brgy. Borol 1, Balagtas, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP San Manuel, magkasalungat na binabaybay nina Acosta at Salinas ang nasabing lansangan nang biglang lumihis sa linya si Acosta at aksidenteng mabangga ito ni Salinas.

Isinugod sa pagamutan sina Acosta at Cayme matapos magtamo ng sugat sa katawan habang maswerte namang hindi nasugatan si Salinas.

Dinala na sa himpilan ng pulisya si Salinas maging ang dalawang sasakyan para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments