Isang Karpentero, huli sa Search Warrant Operation sa San Mateo, Isabela!

118

San Manuel, Isabela – Arestado ang isang karpentero matapos silbihan ng Search Warrant dakong alas syete ng umaga sa Brgy. Stra. Cruz, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Ronald Balacanao Angeles, 44 anyos, may asawa, karpentero at residente ng nabanggit na barangay.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nasamsaman si Angeles ng isang unit ng colored black handgrenade sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC branch 23, Roxas, Isabela.

Dinala na sa himpilan ng PNP San Manuel ang nakumpiskang baril maging ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments