Banggaan ng Truck at Motorsiklo, Isa Patay, Isa Sugatan!

San Mariano, Isabela- Dead on the Spot ang isang guro habang sugatan naman ang kanyang ama matapos magbanggan ang kanilang sinasakyan sa isang Truck pasado alas syete ng umaga ngayong araw, May 21, 2018 sa Brgy. Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Ang nasawi ay kinilalang siJefrey Gelacio, nasa tamang edad, guro ng Daragutan East, San Mariano at ang sugatan naman na kanyang ama ay kinilalang si Romeo Gelacio, kwarentay singko anyos, may-asawa, magsasaka at parehong residente ng Brgy. Marannao, San Mariano, Isabela habang ang suspek at drayber naman ng truck ng Ethanol ay kinilalang si Ronald Clavero, trentay uno anyos at residente nam,an ng Brgy. Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Batay sa ibinahaging impormasyon ni PO3 Junie Mar Baingan, ang imbestigagador ng PNP San Mariano, aniya magkasalungat na binabaybay ng mag-ama at Clavero ang daan nang biglang magbanggaan ang dalawang behikulo dahil sa makapal na usok ng sinusunog na tubo.


Dahil sa lakas na banggan ay nagtamo ng malalalim na sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan si Jefrey Gelacio na sanhi ng kanyang agarang kamatayan habang ang kanyang ama na si Romeo Gelacio ay isinugod sa pagamutan.

Napag-alaman din ng pulisya na umagaw umano sa linya ang Truck dahil sa usok kaya’t natumbok nito ang kasalubong na motorsiklo.

Tinugunan naman umano ng kumpanya ng Ethanol ang naturang insidente habang nasa PNP San Mariano na ang suspek para sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments