Mga Susukong Rebelde, Mabibigyan ng Trabaho!

Cagayan- Mabibigyan na ng kaukulang trabaho ang mga susukong rebelde o kasapi ng New People’s Army sa hanay ng gobyerno.

Ito ang inihayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kaninang umaga.

Batay sa kanyang ulat, kasabay ng ika-tatlumpu’t pitong Anibersaryo ng 5th Infantry Division ay mayroon din umanong programa na dati nang isinasagawa ang lalawigan ng Cagayan para sa mga rebeldeng magbabalik loob.


Aniya, mayroon nang dalawampu’t anim na mga rebeldeng sumuko sa kanilang lalawigan kung saan pi-noproseso na ito at tinitignan na lamang kung kwalilipikado ang mga ito para sa kani-kanilang trabaho.

Layunin din umano ng naturang programa para sa mga sumuko na huwag nang balikan ang kanilang dating masamang gawain.

Samantala, umaasa naman si Governor Mamba na sana’y huhupa na ang tensyong nagaganap sa kanilang lalawigan.

Facebook Comments