Banggaan ng Van at Motorsiklo, Dalawa ang Sugatan!

211

Gamu,Isabela – Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang drayber ng motorsiklo at van matapos na magbanggaan ang mga ito sa Maharlika Highway ng Brgy. Upi, Gamu, Isabela pasado ala una ng madaling araw, January 6, 2018.

Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office sa RMN Cauayan, kinilala ang drayber ng itim na Honda TMX 125 na si Oliver Lazaran Abad, 21 anyos at residente ng Brgy. Santo Tomas, Ilagan, Isabela habang ang driver ng Beige Maroon Fuso Aluminum Wing Van ay kinilalang si Anthony Telan Ombao, 25 anyos at nakatira sa Brgy. Bayo, Iguig, Cagayan.


Sa imbestigasyong isinagawa ng PNP Gamu, habang bumabaybay ang dalawang sasakyan na mula sa magkabilang direksyon sa national highway at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nag-iba umano ng linya ang Van na sanhi naman ng pagkakatumbok nito sa motorsiklo ni Abad.

Dahil sa lakas ng impak ng banggaan ay tumilapon si Abad na sanhi ng tinamo nitong sugat sa kaniyang katawan kung saan ay kaagad namang itinakbo ng DART Rescue 831 sa pinakamalapit na pagamutan.

Nagtamo rin ng sugat sa katawan si Ombao na itinakbo ng mga alagad ng pulis sa pagamutan para sa karampatang lunas nito.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang dalawang sasakyan para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.




Facebook Comments