Drayber ng Pampasaherong Bus na Nakabangga ng Motorsiklo, Tumakas!

160

Mallig, Isabela – Tumakas ang driver ng pampasaherong bus matapos na mabangga nito ang motorsiklo kaninang alas kwatro ng madaling araw sa Barangay Centro 2, Mallig, Isabela.

Kinilala ang drayber ng puting motorsiklo na si Robert Samin Jose,45 anyos, may asawa, isang construction worker at residente ng nasabing lugar habang ang driver ng Fine Tree Transit ay kinilalang si Leo Baduyen ng Beleng Belis, Kapangan, Benguet.


Batay sa pangyayari, patungong north direction ang biktima na sakay ng kanyang motorsiklo at nang makarating sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente ay kumaliwa umano si Jose kung saan ay bigla naman itong binangga ng sumusunod na pampasaherong bus.

Dinala sa Roxas District Hospital ang biktima para sa karampatang lunas nito at inilipat din sa CVMC Tuguegarao City dahil sa matinding sugat sa katawan.

Kaagad naman na tumakas ang suspek pagkatapos ng pangyayari na hanggang sa ngayon ay tinutugis parin ng mga otoridad.

Ang dalawang sasakyan ay nasa kustodiya na PNP Mallig para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.




Facebook Comments