Banggaan sa pagitan ng Hong Kong vessel at Pinoy fishing boat, aksidente lamang – PCG

Naniniwala ang Philippine Coast Guard (PCG) na aksidente lamang ang banggaan sa pagitan ng Filipino fishing boat at Hong Kong cargo vessel sa Occidental Mindoro.

Ayon kay PCG Commandant Vice Admiral George Ursabia Jr., ang karagatan kung saan nangyari ang insidente ay maituturing na ‘highway’ kung saan maraming barko ang dumadaan.

Tingin ni Ursabia na hindi sinasadya ng MV Vienna Wood na banggain ang FV Liberty 5.


Pero sinabi niya na posibleng maharap sa criminal at civil liabilities ang MV Vienna dahil sa hindi pagtulong sa mga nakasakay sa fishing boat.

Gayumpaman, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente na inaasahang matatapos sa loob ng lima hanggang pitong araw.

Kasalukuyang nakadetine ang Hong Kong vessel sa pamamagitan ng Port State Control System.

Ang China ay nakikipagtulungan na rin sa imbestigasyon.

Sa ngayon, patuloy pa ring pinaghahanap ang 12 crew at 2 pasahero ng fishing boat.

Facebook Comments