Banggaan sa pagitan ng Philippine fishing boat at Hong Kong-flagged cargo ship, hindi dapat maliitin ng gobyerno

Umapela si Senator Risa Hontiveros sa pamahalaan na huwag maliitin at isantabi na lang ang banggaan sa pagitan ng Philippine fishing boat at Hong Kong-flagged cargo ship sa bahagi ng karagatang malapit sa baybayin ng Occidental Mindoro.

Giit ni Hontiveros, hindi dapat hayaan ng gobyerno na mabiktima na naman ng “hit and run” ang mga Pilipino sa karagatang sakop ng ating teritoryo.

Ipinaalala ni Hontiveros na hindi ito dapat matulad sa paglubog ng isang Philippine fishing boat matapos mabangga ng isang Chinese vessel noong Hunyo ng nakaraang taon.


Ayon kay Hontiveros, dapat ay pumanig at unahin nating protektahan ang ating mga mangingisda kaysa sa damdamin ng China.

Binigyang diin pa ni Hontiveros na dapat ay Maritime Laws ng Pilipinas ang masunod sa pagresolba sa nabanggit na insidente dahil nangyari ito sa bahagi ng karagatang nasa loob ng ating teritoryo.

Kasabay nito ay nanawagan din si Hontiveros sa Philippine Coast Guard na gawin ang lahat para agad makita at maibalik sa kanilang pamilya ang 14 na mga mangingisdang sakay ng Liberty 5.

Facebook Comments