Banggaan ng Sasakyan at Motorsiklo sa San Mateo, Isabela, 2 Sugatan!

*San Mateo, Isabela- *Sugatan ang dalawang katao sa naganap na aksidente kagabi sa kahabaan ng brgy Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang mga sugatan at driver ng motorsiklo na si Jeffrey Dela Cruz, 35 anyos at angkas nito na si Erwin Cabacungan, 35 anyos, binata at pawang residente ng nasabing barangay habang ang driver naman ng sasakyan ay kinilalang si Rey Carlo Magno Mendoza, 35 anyos, binata at residente naman ng brgy Antonio, Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, magkasalungat na binabaybay nina Dela Cruz at Mendoza ang nasabing lansangan nang biglang lumiko sa kaliwang bahagi si Dela Cruz habang paparating ang kasunod na sasakyan na dahilan ng kanilang banggaan.


Dinala naman sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos magtamo ng mga sugat sa katawan.

Dinala na sa PNP San Mateo ang napinsalang motorsiklo para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments