NAPIKON? | Team Jordan, nag-walkout sa tune-up game kontra Team Pilipinas

Hindi na natapos pa ang second tune-up game ng Team Pilipinas at Jordan na ginanap kagabi sa Meralco Gym.

Ito ay matapos na mag-walk out ang buong team ng Jordan sa natitirang 6:26 minute ng 4th quarter kung saan lamang ang national squad sa score na 82-73.

Nabatid kasi na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Coach Yeng Guiao at Jordan Coach Joey Stiebing.


Kinumpronta ni Guiao si Stiebing matapos na batuhin ng bola ng Jordan player si Scottie Thompson bagay na hindi niya pinalagpas lalo na at kailangan niyang ingatan ang mga players ng bansa.

Sinabi pa ni Guiao na ilang araw bago ang naganap na tune-up game ay nagkainitan na sila ng coach ng Jordan dahil nambu-bully ito.

Facebook Comments