Nasa pampang na sa San Jose, Occidental Mindoro ang bangkang pangisda na lumubog matapos banggain ng Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea.
Tulung-tulong ang mga residente at mga mangingisda sa paghatak sa F/B Gem-Vir 1 patungong dalampasigan.
Nagtamo ng pinakamatinding pinsala ang likurang bahagi ng bangka kaya ito lumubog kasama ang 22 Pilipinong mangingisdang saka nito na una nang nailigtas.
Ayon kay Marife Dela Torre – aabutin pa ng dalawang buwan ang pagsasa-ayos sa bangka.
Sinariwa rin ng kapitan ng bangka na si Jonel Insigne ang nangyari sa kanila.
Aniya, pauwi na sila noon bitbit ang tatlong toneladang huling isda sa halos dalawang linggong pangingisda.
Masama ang kanyang loob dahil sa pag-abandona sa kanila.
Itinanggi rin niya na may kasama pa silang ibang Pilipinong mangingisda na sumagip sa kanila, bagay na sinabi ng China sa isang pahayag.
Aminado ang 22 mangingisda na nagdulot sa kanila ang insidente ng matinding trauma pero patuloy sila sa pangingisda dahil ito ang kanilang pinambubuhay sa kani-kanilang pamilya.