BANGKANG PUNO NG ISDANG BANGUS, TUMAOB SA KAILUGAN SA BAHAGI NG DAWEL BRIDGE

Tumaob ang isang bangka na may lulan ng mga isdang bangus sa kailugan sa may bahagi ng Dawel bridge.
Ayon sa mga nakasaksi malapit sa naturang tulay, napakalakas umano ng agos ng tubig sa ilog at iisa lang ang agusan nito lalo at mabilis itong dumadaloy dahil sa high tide at sa tubig na dumadaloy mula sa upland.
Sa lakas ng agos ng tubig, hindi na nakayanan pang makatawid ng maayos ng bangka at tumaob ito sakay ang nasa anim na libo o six thousand na mga isdang bangus.

Walang naisalba ni isa sa mga isda ngunit wala namang nasaktan na indibidwal kung saan nasa lima hanggang anim na katao ang nakasakay sa bangka.
Agad din naman silang nirespondehan ng mga awtoridad para iligtas sa malakas na agos ng tubig sa kailugan. |ifmnews
Facebook Comments