Bangkay na natagpuan sa Nueva Ecija, dapat ibalik ng mga magulang ni Reynaldo De Guzman ayon sa PNP

Manila, Philippines – Naniniwala ang Philippine National Police na dapat ibalik ng mga magulang ni Reynaldo De Guzman alyas Kulot ang bangkay na natagpuan sa Nueva Ecija dahil hindi ito ang kanilang nawawalang anak.

Matatandaang ang bangkay na ngayon ay pinaglalamayan sa Cainta, Rizal ay natagpuan sa isang sapa sa Gapan, Nueva Ecija.

Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, hindi si Kulot ang bangkay na pinaglalamayan ng kanyang mga kaanak batay sa DNA test.


Kaya dapat itong maibalik sa PNP Nueva Ecija na siyang may hawak sa kaso ng hindi pa nakikilalang bangkay.
Aniya, panibago itong imbestigasyon dahil sangkot na dito ang ibang personalidad at hindi ang nawawalang si Kulot.

Facebook Comments