Bangkay, natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Numancia, Aklan

Aklan – Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki na palutang-lutang sa ilalim ng tulay sa Barangay Navitas, Numancia, Aklan.

Kinilala ang biktimang si Aristedis Magnabijon Jr., 28-anyos at residente ng Barangay Libang, Makato.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, hindi nakitaan ng sugat sa katawan ang biktima na kumukuha lang sana ng talaba.


Pinaniniwalaang inatake ang biktima ng kanyang sakit na epilepsy dahilan ng kanyang pagkalunod.

Facebook Comments