Government Forces sa Zamboanga Peninsula, pinaaalerto kaugnay sa pagdukot ng anak ng Alkalde

Zamboanga Peninsula – Pinapaalerto ngayon ni PC Supt. Billy Beltran, Regional Director, Police Regional Office 9 ang mga government forces sa buong Zamboanga Peninsula at gawin ang necessary coordination sa mga kalapit na mga probinsya at lungsod para ma-rescue ang dinukot na anak ng alkalde ng lungsod ng Labason sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Maliban dito, umapela rin ng suporta at kooperasyon si Beltran sa publiko na i-report kaagad sa PNP o sa alinmang proper authority ang presensya ng kahina-hinalang grupo kasama ang biktima sa kanilang lugar.

Matatandaan, pwersahang dinala ng anim na mga armadong kalalakihan ang negosyanteng si Jade Quimbo habang ito ay nasa kanyang tindahan alas 6:25 ng hapon noong Miyerkules Setyembre 6 at isinakay sa isang kulay pulang van.


Si Quimbo ay anak ni Labason Mayor Eddie Quimbo at nagmamay-ari ng isang hardware sa lungsod.

Sa ngayon hindi pa masabi ng mga otoridad kung saan ang kinaroroonan ng mga suspek kasama ang kanilang bihag.

Facebook Comments