Bangkay ng 14-anyos na binatilyong natagpuan sa Gapan, Nueva Ecija, kumpirmadong si Reynaldo De Guzman ayon sa Gapan-PNP

Gapan, Nueva Ecija – Kinumpirma ni Gapan Chief of Police Supt. Peter Madria na si Reynaldo De Guzman alyas ‘kulot’ ang bangkay na kanilang narekober kahapon sa Barangay San Roque, Gapan, Nueva Ecija.

Ito ay matapos na kumpirmahin ito ng kanyang mismong tatay ng tumungo ito kanina sa Gapan para kilalanin ang bangkay.

Si Reynaldo de Guzman ay 14 anyos na huling kasama ni Carl Angelo Arnaiz na napagkamalan umanong holdaper at napatay ng mga pulis matapos umanong manlaban ng aarestuhin na ng mga pulis sa Caloocan City.


Inihayag pa ni Supt. Madria na naka-tape ang ulo ng biktima ng matagpuan kahapon sa isang creek sa Barangay San Roque, Nueva Ecija.

Inilarawan pa nito na approximately 119 centimeter ang haba ng bangkay na nasa edad 12 hanggang 14 na taong gulang.

Nagtamo aniya ito ng tatlumpung saksak sa katawan.

Nakasuot aniya ito ng short na kulay orange na may marked na batman logo at may nunal sa kaliwang hita nito.

Sa ngayon, hihintayin nila ang desisyon ng magulang kung isasailalim sa autopsy ang biktima.

Facebook Comments