BANGKAY NG 2 LALAKING NAPAULAT NA NALUNOD, NAHANAP NA

Cauayan City – Nahanap na ang katawan ng dalawang lalaking napaulat na nalunod noong ika-12 ng Nobyembre sa magkaibang lugar sa lalawigan ng Cagayan.

Unang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Brgy. General Batalla, Camalaniugan ang bangkay ng 18-anyos na biktimang si Romnick Gavino, na napaulat na nalunod matapos nitong manguha ng kahoy sa ilog.

Sunod namang natagpuan ang katawan ng biktimang Francis Mariano sa isang ilog sa Brgy. Afusing Batu, Alcala, Cagayan, na napaulat ring nalunod matapos na tangayin ng rumaragasang tubig habang sinusubukan nitong ilikas ang kanyang mga alagang hayop sa Brgy. Logung.


Sa ngayon, ang katawan na lamang ng anim na taong gulang na batang lalaki na napaulat na nadulas at nalunod sa ilog ang hindi pa natatagpuan ng mga rescuers.

Facebook Comments