Bangkay ng 2 Magsasaka na Nalunod sa Magkahiwalay na Insidente sa Isabela, Narekober!

*Cauayan City, Isabela- *Narekober ng mga otoridad ang bangkay ng dalawang magsasaka na pinaniniwalaang nalunod a magkahiwalay na bayan sa Lalawigan ng Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), pasado alas singko ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ni Villar Gonzales, 73 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Sto Niño, San Agustin, Isabela sa isang kanal sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng PNP San Agustin, huling nakita ang biktima bandang 10:00 ng umaga sa may gilid ng daan sa nasabing lugar at pagsapit ng 5:30 ng hapon ay nadiskubre na lamang ng anak ng biktima na wala na itong buhay.


Posible umano na nahulog ang biktima sa kanal na sanhi ng kanyang pagkalunod.

Samantala, narekober din ng mga otoridad mula sa gilid ng ilog sa Alicaocao Bridge, Brgy. Carabbatan Chica, Cauayan City, Isabela ang bangkay ng isa pang magsasaka na kinilalang si Florando Asuncion, 59 anyos, na taga Brgy. Duroc, Angadanan, Isabela.

Kinilala mismo ng apong lalaki ang pagkakakilanlan ng biktima at kanyang sinabi na noong gabi ng Agosto 30, 2019 ay nasa impluwensya ng alak ang kanyang lolo at tumawid sa ilog sakay ng kanyang kalabaw sa Brgy. San Roque, Angadanan, Isabela.

Makalipas ang ilang sandali ay natagpuan ang kalabaw na hindi na kasama ang biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pagkalunod ni Florando Asuncion.

Facebook Comments