Nakagapos na Babae, Nadiskubre sa Bangin!

*Aritao, Nueva Vizcaya-* Hanggang sa ngayon ay hindi pa nakilala ang babaeng may tali sa kamay at leeg at may tama ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan na natagpuan sa bangin sa bahagi ng kalsada sa Brgy. Kirang, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, nakita ng mga biker’s sa naturang lugar ang bangkay ng babae kung kaya’t agad nilang ipinaalam sa himpilan ng pulisya.

Sa pagtugon ng pulisya ay tumambad ang halos maagnas na mukha ng babae na nakasout ng itim na t-shirt at kulay abo na shorts kabilang ang pares na tsinelas nito.


Posible umano na bago itinapon ang naturang biktima ay binaril muna upang matiyak na mamatay ito kung saan narekober ang 2 basyo ng Caliber 9mm.

Panawagan naman ng PNP Aritao sa mga nais makipag-ugnayan sa kanilang himpilan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na tumawag lamang sa kanilang hotline number na 09164956244.

Facebook Comments