Bangkay ng Babae, Natagpuang Palutang-lutang sa Isang Ilog

Cauayan City, Isabela- Isang bangkay ng babae ang natagpuang palutang lutang sa ilog na hinihinalang nalunod sa Barangay Natappian East, Solana, Cagayan.

Itinawag ng isang empleyado ng LGU na si Marlon Camayang sa himpilan ng pulisya hinggil sa pagkakadiskubre sa isang katawan ng babae na palutang-lutang sa ilog Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, inihayag ni Joaquin Gabona na residente rin sa nasabing lugar na habang siya ay naglalaba ng damit sa ilog ay nakita nito ang isang bangkay na inaanod ng alon ng tubig.


Dito na iahon ni Gbaona mula sa ilog ang biktima na siya namang pagdating ng mga rumespondeng kasapi ng BFP at agad na dinala sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) para mabigyan ng agarang lunas subalit idineklarang dead on arrival ng umasikasong Duktor.

Base pa sa pagsusuri ng pulisya, ang babaeng biktima ay may taas na apat (4) hanggang limang (5) talampakan; tinatayang nasa edad 10 hanggang 15; katamtaman ang pangangatawan; mahaba ang buhok, nakasuot ng asul na T-shirt, pink floral short pants; at may suot na singsing sa kaliwang hinlalato ng daliri.

Wala namang nakitang sugat o palatandaan na inabuso sa katawan ang biktima na pansamantalang dinala sa morgue ng CVMC.

Facebook Comments