Employer, humingi ng paumanhin sa factory worker sa pagbabayad ng sahod na tigse-sentimo

Labis ang pagsisisi ng isang may-ari ng pabrika sa pagbibigay ng sahod na tigse-sentimong barya sa isa nilang manggagawa.

Ayon kay Jasper Cheng So, may-ari ng Nexgreen Enterprise, humingi siya ng paumanhin kay Russel Mañoza, na siyang nakatanggap ng sahod na tigse-sentimo.

Iginiit ni So na ang mga barya ay hindi nakalaan para kay Mañoza pero sa kanilang religious offerings.


Tinanggap naman ni Mañoza ang patawad ng kanyang employer.

Matatandaang ipinag-utos ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na suspendihin ang business permit ng kumpanya.

Binigyan ang kumpanya ng 15 araw para resolbahin ang lahat ng concern ng kanilang mga manggagawa.

Facebook Comments