Bangkay ng babae, natagpuang palutang-lutang sa Marilao River sa Bulacan

267

Isang bangkay ng babae ang natagpuang palutang-lutang sa Marilao River sa Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Juliana Marie Billones, 20-anyos at first year college student na taga-Barangay Nagbalon.

Sa ulat ng pulisya, August 18 nang umalis sa kanilang bahay si Billones.


Ilang araw itong hindi umuwi sa kanila kaya nag-report na sa mga pulis ang kanyang ina.

Sa nakuhang CCTV footage ng Marilao police, makikita ang pagtakbo ng biktima mula sa kanilang bahay nang nakayapak.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.



Facebook Comments