Bangkay ng babaeng nakasako, natagpuan sa isang bodega sa Muntinlupa

Isang bangkay ng babaeng nakasilid sa sako ng bigas ang natagpuan sa loob isang bodega sa barangay cupang, Muntinlupa City.

 

Kinilala ang biktima na si Sheva Adare Mae Prementil, 22-anyos at nagtatrabahong assistant supervisor sa isang supermarket sa Alabang.

 

May sugat sa ulo, laslas sa tiyan at kamay at halos matanggal na ang mga daliri ng biktima.


 

Sa kuhang cctv – alas 3:00 ng madaling araw ng sabado nang makitang naghihila ng sako ang suspek na si Alexander Corpuz, 23-anyos mula sa bahay na tinutuluyan ng biktima papunta sa kanyang bahay.

 

Nadiskubre ng tiyuhin ni Prementil at ama ni Corpuz ang bangkay sa bodega matapos na mapansin ng boardmate ng biktima na duguan ang kanyang kama.

 

Crime of passion ang anggulong tinitingnan ng pulisya sa krimen.

 

Napag-alaman kasi na dating niligawan ng suspek si Prementil.

 

Anim na buwan pa lang na nakatira sa lugar ang suspek habang isang taon nang nangungupahan doon ang biktima.

 

Tinutugis na ng mga pulis si Corpuz.

Facebook Comments