Monday, February 2, 2026

Bangkay ng babaeng natagpuan sa loob ng isang plastic storage box, tukoy na

Natukoy na ng Camarines Norte Police Provincial Office ang pagkakakilanlan ng babaeng natagpuang patay sa loob ng isang plastic storage box sa ilalim ng tulay sa Barangay Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte noong Enero 2.

Kinilala ang biktima na si Anelis Agocoy, 38-anyos, at residente ng Barangay Bura, Catarman, Camiguin.

Kinumpirma ang kanyang pagkakakilanlan matapos makilala ng kaibigan at pinsan ng biktima ang insidente sa social media at makipag-ugnayan sa pulisya.

Samantala, tukoy na rin ng pulisya ang suspek sa krimen, batay sa pagkilala ng isang saksi.

Dahil dito, naglabas na ang Basud Police ng facial composite sketch ng suspek upang makatulong sa kanyang agarang pag-aresto.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang Basud PNP para mahuli ang suspek at matukoy ang motibo sa likod ng karumal-dumal na pagpaslang.

Facebook Comments