Bangkay ng Binata na Nalunod sa San Mateo, Isabela, Narekober Na!

*San Mateo, Isabela- *Narekober na ng mga otoridad kaninang 1:00 pm ang bangkay ng binatang nalunod kahapon sa Magat River ng Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Edison Tomas Armejola, 27 anyos, binata, isang magsasaka at residente ng Brgy Villa Magat, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, bandang alas kwatro ng hapon kahapon nang mag-inuman umano ang biktima kasama ang kanyang mga kamag-anak sa tabi ng ilog.


Habang nasa impluwensya umano ng alak ang biktima ay lumangoy ito sa ilog at namulikat ang kanyang paa na dahilan umano ng kanyang pagkalunod.

Sinubukan namang itong sagipin ng kanyang mga kasamang kaanak subalit hindi na nila nahagip ang biktima dahil sa lakas ng agos ng tubig.

Kaugnay nito, matapos ang bente kwatro oras na paghahanap ng mga rescue team ay narekober lamang ngayong hapon ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

Facebook Comments