Barangay Kagawad sa Burgos Isabela, Pinagbabaril-Patay!

Lal-lo, Cagayan – Kaagad na binawian ng buhay ang mag-asawa at mag-live in partner kaninang madaling araw matapos pagbabarilin ng dalawang salarin sa loob ng Starbabe Videoke Bar sa Brgy. Magapit, Lal-lo, Cagayan.

Sa impormasyong ibinahagi sa RMN Cauayan, kinilala ang mga biktima na sina Princess Angelica Escalante Javier; Eugene Javier (asawa ni Princess) at may ari ng naturang videoke bar; Ramsey Javier (live-in partner); Michaela Javier (live-in partner) na pawang mga residente ng Magapit, Lal-lo, Cagayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Lal-lo, nagkaroon umano ng mainit na palitan ng salita ang mga suspek at ang biktimang si Princess Javier kung saan dahil umano sa galit ay pinagbabaril kaagad ng mga suspek ang mga biktima sa kanilang kritikal na bahagi ng katawan na sanhi ng kanilang agarang kamatayan.


Kaagad naman na nagkasa ng manhunt operation ang PNP Lal-lo at mga karatig na himpilan ng pulisya para sa agarang pagkakahuli ng mga suspek.

Samantala, kasalukuyan pa ngayon ang pangangalap ng kaukulang ebidensya ang SOCO Team lalo na sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments