Bangkay ng isang babae na nakita sa baybayin ng Cebu, nakikilala na

Cebu, Philippines – Nakikilala ang bangkay ng isang babae na nasagip ng isang mangingisda mula sa Escalante City, Negros Occidental na palutanglutang sa baybayin ng Brgy Maravilla Tabuelan Cebu sabado ng hapon Hulyo 1.
Nakasuot lang ng underwear ang bangkay at nasa state of decomposition.
Ayun kay Psinsp Rolly Pondevilla chief of police ng Escalante PNP, positibo na kinilala ng pamilya ang biktima na si Luarita Lumayno y Cabag, 64 anyos byuda at residente ng So. Lang-gaitan Cambayobo Calatrava Negros Occ.
Ayon sa pamilya tinangay ng tubig baha sa ilog ang biktima noong Hunyo 20 at hindi na nakita .

Facebook Comments