Pamilya ni Sen. Pacquiao, umaapela na magretiro sa boxing

107

Manila, Philippines – Umaapela na ang pamilya ni Senador Manny Pacquiao sa General Santos City na magretiro na sa pagboboksing.

Ito’y makaraang matalo sa naging laban nito kay Jeff Horn sa ‘Battle of Brisbane’ sa Australia.

Sa ekslusibong interview ng RMN kay Liza Onding, kapatid sa ina ni Manny –maraming beses na nilang hinihimok ang kanyang kapatid na magretiro na sa pagboboksing.


Pero ayon kay Onding – ayaw pa ring magretiro ni Manny dahil sa kagustuhan nitong tulungan ang mga mangangailangan.

Sinabi rin ni Onding na nadismaya sila sa naging laban ng pambansang kamao.

Samantala, ipinahayag ng malakanyang na mananatiling pambansang kamao ng pilipino si Pacquiao.



Nagpasalamat ang palasyo sa hindi matawarang suportang ipinagkakaloob ng buong sambayanan kay Pacquiao sa oras ng tagumpay at kabiguan.

Facebook Comments