Binata na Bibili sana ng Alak, Pinagsasaksak-Patay!

282

*S**antiago** C**ity**- *Binawian ng buhay ang isang binata matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang suspek nang matagpuang nakahandusay sa Purok 7, Brgy. Patul, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakilala ang biktimang si Bobby Musngi, 29-anyos, binata, construction worker at residente ng nasabing lugar.


Una rito, nakipag-inuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan at kapatid.

Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam ang biktima na bibili pa ng alak na kanilang iinuman subalit ilang oras ay hindi na ito nakabalik na ikinabahala ng kanyang mga kainuman.

Nabalitaan na lamang na nakahandusay ang biktima sa nabanggit na lugar at sinubukang dalhin sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival (DOA).

Hanggang sa ngayon ay nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Presinto Dos na posibleng isa sa mga nakainuman nito ang pinaniwalaang suspek o nakaalitan na humarang at sumaksak habang siya’y papuntang bibili ng alak.

Facebook Comments

From Advertisers