Hotshots, susubukang bumawi sa huling 2 laro

Susubukang bumawi ng Magnolia Hotshots sa natitira nilang dalawang laro sa elimination round ng PBA Commissioners’ Cup.

Ito ay matapos silang talunin ng Barangay Ginebra sa huling laban bunsod ng kanilang import na si Justin Brownlee.

Para kay coach Chito Victolero – naging malamya ang kanilang depensa


Aminado rin si Magnolia guard Mark Barroca, hindi na sila nakarekober ng kanyang teammates nang magsimulang mag-init sa court si Brownlee.

Bukas (July 9), makakaharap ng Magnolia ang Rain or Shine, habang sa June 17 naman nila makakasagupa ang  namamayagpag na TNT KaTropa.

Facebook Comments