*Angadanan, Isabela- *Natagpuang wala nang buhay kaninang umaga ang isang barangay Kagawad partikular sa isang irigasyon sa Brgy San Ambrocio, Angadanan, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Danilo De Leon, 66 taong gulang, magsasaka at residente ng Brgy. San Ambrocio, Angadanan, Isabela.
Sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng PNP Angadanan mula sa Brgy Captain na si Edgar Volante kaugnay sa nakitang nakahandusay na katawan ni De Leon malapit sa isang irigasyon na tinatayang nasa tatlong kilometro ang layo mula sa kabahayan.
Napag-alaman na nagtungo lamang ang biktima sa kanyang bukirin upang magpatubig subalit hindi na ito umuwi sa buong magdamag.
Patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat ng PNP Angadanan sa naging sanhi ng pagkamatay ng naturang Kagawad.