Bangkay ng isang guro sa Pangasinan, natagpuan sa ilog

Isang bangkay ng isang guro ang natagpuang palutang lutang sa ilog ng Barangay Sapang Manaoag Pangasinan kahapon.
Sa report ng Manaoag PNP, kinilala itong si Gina Constancia Delin, 52 anyos residente ng nasabing barangay.
Ayon sa PNP Manaoag, dalawang estudyanteng naliligo sa ilog ang naka kita sa bangkay ng guro. Agad itong ipinagbigay alam sa pamilya ng nasawi.
Napag-alaman na ito ay may sakit na sa pag-iisip at nakatakda sanang magtungo sa Baguio General Hospital upang magpasuri.
Itinakbo pa ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Wala namang nakitang anumang sugat ito at pagkakalunod ang tinitignan sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Facebook Comments