Bangkay ng isang lalaki, natagpuang nakasilid sa isang maleta sa Bacoor Cavite

72

Cavite, Philippines – Natagpuan ang isang bangkay ng isang lalaki na nakasilid sa loob ng isang maleta sa Bacoor, Cavite.

Sa ulat, ang maleta ay nababalutan ng itim na plastic bag at binalutan din ito ng pulang packaging tape.

Nang buksan ng mga otoridad ang maleta, tumambad ang bangkay ng lalaki kung saan binalutan din ng packaging tape ang buong mukha ng biktima at nakatali ng nylon cord ang kanyang mga kamay.

Ayon kay SPO1 Ferdinand Cruz ng Bacoor Police – nakitaan din ng senyale na pinagmalupitan o tinorture muna ito bago pinatay.

Tinatayang nasa 35 hanggang 45 taong gulang ang biktima, may taas na 5’5’’, katamtaman ang pangangatawan at may mga tattoo sa dibdib at likod.

Hindi ngayong isinasantabi ng otoridad na may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay sa biktima.

Dahil walang CCTV sa lugar, magsasagawa ng backtracking ang pulisya sa lugar para matukoy ang sasakyan na nagbagsak sa maleta.

DZXL558

Facebook Comments