Pulis na nahuling nangingikil sa isang retiradong guro sa Iloilo City, tiniyak ng NAPOLCOM na masisibak sa pwesto

38

Iloilo City, Philippines – Tiniyak ng National Police Commission (NAPOLCOM) na masisibak sa serbisyo ang pulis na nahuli makaraang mangikil sa isang retiradong guro sa Jaro, Iloilo City.

Ayon kay NAPOLCOM region 6 spokesman at pre-charge investigator Allen Camiring – si PO1 Glenn Garbosa ang inireklamo ng retired teacher na si Rey Fajutrao na kinikilan nito ng halos 200,000 pesos kung saan ang alibi ng pulis ay gamitin ito sa pag-renew ng expired na lisensiya ng baril na pag-aari ng biktima.

Sinabi ni Camiring na dati nang may record sa kanila si Garbosa matapos na inireklamo ng kapwa nito pulis dahil sa pag-withdraw ng pera sa ATM ng mga kasamahan sa trabaho.

Si Garbosa ay nakatalaga sa regional police holding and accounting unit na nag-AWOL.

DZXL558

Facebook Comments