BANGKAY NG ISANG LALAKI, NATAGPUANG PALUTANG LUTANG SA ISANG KANAL SA MANGALDAN

Panibagong kaso ng pagkalunod ang naitala sa bayan ng Mangaldan matapos na matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa isang malaking kanal sa Old Road, Barangay Anolid sa nasabing bayan.

 

Natagpuang palutang lutang ang bangkay ng isang 55 lalaki, pedicab driver at residente rin da nabanggit na barangay.

 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, huli umanong nakita ang biktima ng kanyang kapatid na lumabas para sana magparada ng pedicab.

 

Agad naman narekober ng MDRRMO-Mangaldan Quick Response Team (QRT), General Service Office (GSO), Municipal Health Office at pulisya ang bangkay ngunit idineklarang wala ng buhay ang biktima sa ospital.

 

Sa ngayon ay nasa ilalim na ng imbestigasyon ng pulisya ang sanhi ng pagkalunod ng biktima. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments