Ginang na Wanted sa Batas, Natimbog!

43

Cabagan, Isabela – Inaresto ng mga otoridad ang isang ginang matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dakong alas tres ng hapon sa Cento, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Ma. Theresa Marcelo-Guiab, 45 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Dinakip ng PNP Cabagan ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kaso nitong Estafa.

Samantala, nakalaya rin ang akusado matapos magpiyansa sa halagang P72,000.00

Facebook Comments