Bangkay ng Isang Magsasaka na nalunod sa San Agustin, Isabela, Narekober Na!

63

San Agustin, Isabela – Narekober na ng mga otoridad pasado alas onse kaninang tanghali ang bangkay ng isang magsasaka na nalunod kahapon, Enero 9, 2019 sa Ilog Cagayan ng Brgy. Masaya Norte, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Enrique Bulusan Baniaga, 64 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, habang tumatawid ang biktima na nasa impluwensya umano ng alak upang magpastol ng kanyang kalabaw ay nawalan ng balanse sa katawan kaya ito nalunod na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Inireport ng mga kaanak ng biktima kaninang umaga sa PNP San Agustin ang naturang pangyayari at agad naman nilang nirespondehan kasama ng Rescue Team ngunit narekober ang wala nang buhay na katawan ni Baniaga.

Dinala na sa Cadiz Memorial Homes ang bangkay ng biktima.

Facebook Comments

From Advertisers