Bangkay ng isang Magsasaka, Natagpuan sa Echague, Isabela

Echague, Isabela – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan pasado alas otso kaninang umaga sa Brgy. San Manuel, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Pagulayan Macaraniag, 55 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, itinawag umano ng isang concerned citizen sa himpilan ng PNP Echague ang napansin na bangkay ng isang lalaki.


Agad na nirespondehan ng mga otoridad ang naturang insidente at natagpuan ang bangkay ng lalaki na nakahandusay sa mismong rice field nito na duguan sa bandang bahagi ng ulo.

Nasa isang punirarya na ang bangkay ng biktima upang isailalim sa pagsusuri habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa natagpuang bangkay.

Facebook Comments