Property Reutilization and Disposal Division (PRDD) area, supply unit sa Camp Aguinaldo nasunog

Supply Unit sa Camp Aguinaldo nasunog; halaga ng mga gamit na nasunog umabot sa 200 libong piso.

Nasunog ang isang gusali o supply unit sa Camp Aguinaldo kanina.

Ayon kay Armed Forces of the Philippine Public Affairs Office Chief Lt Col Noel Detoyato alas 3:30 ng hapon kanina nang sumiklab ang sunog.


Nagtagal pa at umabot sa unang alarma ang sunog bago nagdeklarang fire out ang mga taga Bureau of Fire Protection na rumesponde sa lugar kaninang 4:14 ng hapon.

Sa report pa ni Detoyato ang nasunog ay Warehouse at Property Reutilization and Disposal Division ng AFP.

Nakatago sa nasunog na gusali ay mga lumang gamit tulad ng computer set, airconditioning unit, gulong at iba pa.

Facebook Comments