Bangkay ng Isang Tricycle Driver, narekober sa Ilog ng Sto. Tomas, Isabela!

101

Sto. Tomas, Isabela – Isang bangkay ng Tricycle Driver na palutang – lutang ang natagpuan sa Ilog Cagayan na nasasakupan ng Brgy. San Roque, Sto. Tomas, Isabela pasado alas dose ng tanghali ngayong araw, Enero 11, 2019.

Kinilala ang narekober na bangkay na si Alex Cabaccan Bulauan, 32 anyos, may asawa, Tricycle Driver at residente ng Brgy. San Rodrigo, City of Ilagan, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, narekober ng mga kasapi ng PNP Sto. Tomas kasama ng Rescue Team ng City of Ilagan ang hinihinalang nalunod na bangkay ni Bulauan..

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente at inaalam kung ano ang dahilan ng pagkalunod ng biktima.

Facebook Comments