Bangkay ng Karpintero na Nalunod dahil sa Pagbaha, Narekober na

78

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuan na ang katawan ng isang karpintero kaninang umaga matapos malunod sa kasagsagan ng pag uulan na naranasan ng mga Isabeleño kahapon.

Ayon kay P/Maj. Eugenio Mallillin, Hepe ng PNP Tumauini, narekober ang bangkay ng biktima na kinilalang si Domingo Bacani, 43 anyos at residente ng Brgy. Fermeldy, Tumauini, Isabela.


Dagdag pa ni P/Maj. Mallillin, ilang metro lang ang layo mula sa lugar ng pagkalunod nito sa Brgy. Lanna ng matagpuan ng mga otoridad ang kanyang wala ng buhay na katawan.

Nagpaalala naman ang kapulisan na lagging sumunod sa mga abiso ng kinauukulan para sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments

From Advertisers