Timor Leste – nagpasalamat sa suporta ng mga Pinoy sa kanilang mga atleta

588

Ikinatuwa ng mga delegado ng Timor Leste ang ipinapakitang suporta ng mga Pilipino para sa kanilang bansa.


Kasunod ito ng pagchi-cheer ng mga Pinoy sa mga atleta ng Timor Leste na hanggang ngayon ay wala pa ring nasusungkit na medalya sa SEA Games.

Ayon kay Alexandrio Da Costa, opisyal ng taekwondo federation ng Timor Leste talagang ipinamalas at isinapuso ng mga Pilipino ang tema ng SEA Games na “we win as one”.

Ipinagpasalamat din ng mga atleta ang masarap na pagkain at komportableng accommodation habang nananatili sila sa bansa.

Pinuri naman ni Philippine Sports Commission Comm. Charles Raymond Maxey – ang ipinapakitang gestures ng mga Pilipino sa Timor Leste.

Facebook Comments