Bangkay ng lalaki, iniwan sa gilid ng kalsada sa Pangasinan

Isang bangkay ng isang lalaki ang natagpuan sa gilid ng kalsada ng National Road Brgy. Tebag West Sta. Barbara Pangasinan kagabi.
Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Ramerto Capinpin, 62 taong gulang at residente ng Brgy. Banaoang Sta. Barbara.
Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, isang kotse na kulay blue ang nag-iwan ng nasabing bangkay ng lalaki na pinagsasaksak sa ibat-ibang parte ng kaniyang katawan.
Narekober din ang 15 pulagada ng kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit sa pananaksak sa biktima.
Ikinasa na ng pulisya ang dragnet operation sa agarang pagkakadakip ng mga suspek sa nasabing insidente.
Photo Credit: Win Dacasin

Facebook Comments