Bangkay ng Lalaki na Nahulog sa Alicaocao Bridge sa Lungsod ng Cauayan, Natagpuan na!

4021

*Cauayan City, Isabela- *Sa patuloy na retrieval operation ng Rescue 922,Tactical Operations Group 2-Philippine Air Force, at ilang indibidwal ay natagpuan na ang katawan ng isang lalaki na nahulog noong Martes ng gabi, September 17, 2019 sa Alicaocao bridge, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Marilyn Wania, asawa ng biktima na si Arnel Wania, 40 anyos, isang janitor at residente ng Brgy. Union, Cauayan City, Isabela, pasado alas 10:00 kaninang umaga nang marekober ang bangkay ng kanyang mister.


Nakita itong palutang-lutang sa gitna ng Cagayan River sa Brgy Quezon, Naguilian, Isabela.

Magugunita na bago mangyari ang insidente ay dumaan sa Alicaocao bridge ang mag-asawa galing sa kanilang trabaho at dahil medyo mataas ang lebel ng tubig ay pinababa ng biktima ang kanyang misis at nang makarating sa gitnang bahagi ng tulay na abot ng tubig ay aksidenteng nahulog ang biktima kasama ang kanyang motorsiklo.

Facebook Comments

From Advertisers