Quezon City – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Quezon City kaninang madaling araw.
Nakabalot pa ng packaging tape ang mukha at nakatali ang kamay ng biktima ng matagpuan sa Sto. Niño, Payatas, Quezon City.
Ayon sa mga residente mag-aalos-dos ng madaling araw nang nakarinig sila ng mag kakasunod na putok ng baril.
Wala pang pagkakakilanlan ang biktima sabay sabing dayo lang siya sa lugar.
16 na basyo ng bala ang narecover sa crime scene.
Ayon pa sa mga residente, ito na ang pangatlong beses na may pinatay o tinapon na bangkay sa kaparehong lugar sa loob lamang ng 3 buwan.
Patuloy pa ang imbistigayon sa nasabing krimen.
Facebook Comments