Bangkay ng Lalaki na Narekober sa Ilog, Tukoy na!

*Cauayan City, Isabela- *Nakilala na ng mga otoridad ang bangkay ng isang lalaki na narekober sa gilid ng ilog sa Kensington Subd., Brgy, Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Cauayan City, kinilala ng mismong nanay ang biktima na si Hernan Pausa, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Magugunita na pasado alas singko ng hapon, Hunyo 9, 2019 nang magtungo sa ilog ang 14 anyos na si Princess Santiago upang maligo kasama ang mga kaibigan ay nakita nito ang katawan ng biktima na nakalutang sa gilid ng ilog.


Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.

Facebook Comments