Bangkay ng lalaki nakatali ang kamay at sa leeg natagpuan sa gilid ng kalsada sa bayan ng Pres Roxas North Cotabato

Isang bangkay ng lalaki na nakatali ng damit ang leeg at kamay ang nakita sa gilid ng kalsada pasado alas 8:30 kagabi sa Purok. 1, Brgy. Tuael, sa bayan ng Pres. Roxas, sa lalawigan ng North Cotabato . Isang motorista ang nakakita sa bangkay ng lalaking nakahandusay sa gilid ng kalsada kaya agad ipinagbigay alam sa mga otoridad. Sa imbestigasyon ng mga otoridad nakatali ng damit ang mga kamay ng lalaki , na may nakapulupot na damit sa kanyang leeg na may dalawang tama ng baril sa kanyang dibdib na tumagos sa kanyang likod.
Tinatayang nasa 5’4 ang taas, nagkakaedad sa pagitan ng 35-38 anyos, nakasuot ng kulay dilaw na jersey sleeveless na may nakaimprentang “BAGO TODA” at apelyidong Mojeres sa likod ng damit.
Walang nakitang mga bakas ng dugo sa lugar subalit nakarekober ng mga otoridad ang isang basyo ng bala mula sa cal.45 pistol.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments