Lalaki arestado sa pag iingat ng baril sa ikinasang Lambat Bitag Sasakyan sa bayan ng Arakan North Cotabato

Huli ang isang 23-anyos na lalaki ng makuhanan ng ‘ hindi lisensiyadong baril sa ikinasang Lambat Bitag Sasakyan sa sa bayan ng Arakan, sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ang nahuli na si Noli Carreon Maglinte , isang magsasaka residente ng Brgy. Tumanding sa nasabing bayan.
Nagsagawa ng Lambat Bitag Sasakyan ang Cotabato Police Provincial Office na pinangunahan ni P/Supt. Ma. Joyce Birrey ,Provincial Director for Operations katuwang ang mga elemento ng pulisya mula sa iba’t-ibang mga himpilan, kasama ang Cotabato PPSC, PIB at Highway Patrol Group sa nabanggit na bayan. Sa ikinasang operasyon ay dito na nahuli si Maglinte
Nakuha sa posesyon nito ang isang unit ng homemade .38 revolver na may apat na mga bala.
Sa nasabing operasyon ay abot sa 42 mga motorsiklo ang nahuli ng mga otoridad dahil sa paglabag sa mga panuntunan sa batas trapiko.(Amer Sinsuat)
Photo for illustration only

Facebook Comments