Bangkay ng lalaki natagpuan sa ilog

Isang floating cadaver ang natagpuan na palutang lutang sa isang ilog sa bahagi ng Brgy Dalumangcob Sultan Kudarat
Sa report mula kay PO2 Mujeeb Sepi, Case Investigator SK MPS, pasado alas dos ng hapon noong November 30 ng mamataan ng isang 12 anyos na bata na residente ng nasabing baranggay ang bangkay
Hanggang sa ngayon ay di pa rin nakilala ang bangkay na tadtad ng taga sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan, tinatayang nagkakaedad ng 35-40 years old, naka pantalon ngunit walang pan itaas na kasuotan.
Bunsod sa nasa state of dicomposition na ito ay agad na lamang itong inilibing sa Macaguiling Public Cemetery.

Facebook Comments