Rider ng Motor nahulog sa Overflow Bridge patay, isa sugatan

Dead on the spot ang isang 41 anyos na Motorcycle Rider matapos aksidenteng mahulog ang minamanehong motorsiklo sa overflow bridge sa Brgy. Dinganen Buldon Maguindanao.

Sa report ni Brgy Chairman at ABC President Rufo Capada nangyari ang aksidente pasado alas singko noong hapon byernes.

Tumatawid aniya ang mag amang nakilalang sina Mhongs Gunsang 41 at Salahudin 21 kapwa mga residente ng Dalican sa Datu Odin Sinsuat, sakay ng XRM 125.Patungo aniya ang mga ito sa area ng Pigcawayan mula sa Area ng Buldon .


Habang tinatawid ang overflow bridge ay nadulas at dirediretsong nahulog sa ilog ang motorsiklo na sinasakyan ng dalawa. Di na nagawang maisalba pa si Mhongs na syang nagmamaneho ng motor habang agad na isinugod sa ospital si Salahudin.

Patuloy naman sa panawagan si ABC Capada sa mga ahensya na sanay bigyan na ng aksyon ang overflow bridge. Sa record ng Brgy Dinganen nasa isang dosena na ang namamatay sa disgrasya na kinasasangkutan ng tulay.

Facebook Comments